
Balik-acting na ang TV host-actress na si Pauleen Luna tatlong buwan matapos niyang isilang ang kanilang first-born ni Vic Sotto na si Talitha Maria.
Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang ilang kuha mula sa kanilang taping para sa Lenten presentation ng 'Eat Bulaga' ngayong taon.
akakasama niya sa special episode sina Sinon Loresca at Ruby Rodriguez kung saan tinawag pa niyang "carienderia girls." Parte rin ng cast sina Luane Dy at Kenneth Medrano.