What's on TV

Paolo Ballesteros, 'wala na' raw love life

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 6, 2017 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Sa isang kaswal na pag-uusap sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga kahapon (June 5), tila napa-amin ang aktor sa estado ng kanyang love life.

Sa isang kaswal na pag-uusap sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga kahapon (June 5), tila napa-amin si Paolo Ballesteros sa estado ng kanyang love life.

Pagkatapos tanungin ng mga Dabarkads ang nanay ng winner kung may love life ito, si Paolo naman ang tinanong nila.

“Wala na,” sagot ni Paolo.

Nasambit naman ni Vic Sotto ang linya na ginamit ni Paolo sa isang Instagram post para sa kanyang dating partner.

“Basta, thank you for the memories na lang,” sabi ni Bossing, kung saan natawa ang mga Eat Bulaga hosts.

 

Thank you for the memories! @r.a.0606 ??

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on


Biniro naman siya ni Allan K na nawala raw ang pagka-fresh nito pagkatapos siyang i-hot seat ng mga Dabarkads.

“May kasama kasing luha,” patawa niyang sinabi.

Nag-post si Paolo ng ‘monthsary pictures’ noong nakaraang tatlong buwan. Hindi pa kinukumpirma ng aktor kung ano ang naging sanhi ng paghihiwalayan.