'Eat Bulaga' Dabarkads and guests greet Maine Mendoza a happy birthday
March 3 ang birthday ni Maine Mendoza pero nitong Sabado, March 4, siya binigyan ng Eat Bulaga ng isang engrandeng celebration.
LOOK: It's a double birthday celebration for the Mendoza sisters
Isa-isang bumati at nagbigay ng mensahe ang Dabarkads sa Destined To Be Yours star. Narito ang kanilang birthday wishes:
Ryan Agoncillo
"Anlayo na ng nilakbay mo sa career mo. Tingin ko tapos na ang panahon ng 'strike while the iron is hot.' Hasang hasa na 'yung blade. Ang laban ngayon, patibayan na. Sana in the next few years, tumibay ka pa lalo."
Ruby Rodriguez
"Nasabi na nga nila na hasang hasa ka na. Ang wish lang naming lahat ng Dabarkads na bumabati sa 'yo dito, sana maging patuloy na number one ang Destined To Be Yours. At pagkatapos nun, may pelikula pang kasunod para sa inyo ni Alden."
Ryzza Mae Dizon
"Wish ko po sa inyo ay lagi kayong healthy at pahinga po kayo. Rest rest din po 'pag may time."
Allan K
"Ang wish ko lang sa 'yo, kasalan na."
Joey de Leon
"Puro kayo wish, wala kayong kiss (kisses Maine)."
Tito Sen
"Wish ko ay ipatuloy n'yo ang inyong pagmamahalan, at isa lang ang pakiusap ko. 'Yung pagtitinginan namin ni Helen (Gamboa), sana [ganun din sa inyo]. Pero may isa na matutuwa si Allan -- huwag na huwag kayong magtatanan."
Siyempre, hindi mawawala ang mensahe ng love team partner niyang si Alden Richards.
"Andami na nating nagawa na magkasama. Napupuna ko, 'yung mga bagay kapag ginagawa natin nang magkasama, mas malakas tayong dalawa. Sana magtagal pa ang samahan natin. Ang misunderstandings, actually nabawasan 'yun, and I'm very happy kasi ngayon talaga palagay na ang loob mo sa akin, palagay na ang loob ko sa 'yo. Sana ang mga darating na nating mga laban at pagsubok, kakayanin nating dalawa basta magkasama tayo," saad ng Pambansang Bae.
Sa segment na 'Jackpot En Poy', ang mga lalaking may connection kay Maine ang naglaro. Ito ay sina Alden, ang favorite action star ni Maine na si Kier Legaspi, Pambansang Classmate Jake Ejercito at Tatay Dub Teodoro Mendoza. Nagbigay rin sila ng mensahe sa birthday girl.
READ: Jake Ejercito, pinamigay sa audience ang napanalunang PHP 80,000 sa 'Jackpot En Poy'
Kier Legaspi
"Isa lang masasabi ko, mas maganda ka sa personal. Happy birthday and enjoy what you have, enjoy the ride."
Jake Ejercito
"Happy, happy birthday. We know you're already on top of the world so just enjoy the ride. I wish you genuine happiness tulad ng pagpapasaya mo sa aming lahat."
Tatay Dub
"Anak, happy birthday. Kami ng nanay mo at ng buong pamilya, plus 'yung mga sumusuporta sa 'yo, nandito lang kami, masaya sa nangyayari sa buhay mo."
Isang production number naman ang handog nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros kay Maine.
"Maraming salamat dahil nagbigay ka ng bagong kulay sa barangay, at saka mayroon na talagang totoong babae sa barangay. Ang wish namin siyempre, good health and more blessings. Maraming hindi masyadong nakakakilala kay Meng, pero kapag nakita n'yo ito sa barangay ang batang 'to, sasabihin n'yo 'Bakit ganyan 'yan? Hindi marunong umarte.' Wala pong kaselan-selan, walang kaarte-arte, marunong makitao. Sana ituloy-tuloy mo 'yan. Maine," anang JoWaPao.
Abot langit naman ang pasasalamat ng phenomenal star sa lahat nang bumati sa kanya.
Aniya, "Maraming salamat po sa lahat, lahat po na nandito ngayon at sa mga nanonood po. Sa lahat po na bumabati sa akin, bumati at babati pa, maraming salamat po. Nakaka-overwhelm talaga 'to. Parang last year lang, ganyan din kayo, parang hindi kayo nabawasan. Salamat sa suporta at pagmamahal na binibigay n'yo po sa akin."
Happy birthday, Maine!
MORE ON MAINE MENDOZA:
WATCH: Fans ng AlDub, nagsama-sama para sa birthday celebration ni Maine Mendoza
LOOK: Ate Dub tweets priceless photo of Maine Mendoza's 1st birthday celebration