Meet 'Eat Bulaga's' Chaleco Boys
Maraming grupo na ng mga artista ang nabuo sa noontime show na Eat Bulaga at nakilala ng maraming manonod.
Ngayong 2023, ipinakilala naman ng programa ang newest all-male group na maghahatid ng saya at kilig sa bawat tanghalian ng mga Kapuso -- ang Chaleco Boys.
Ang nasabing boy group ay binubuo ng Sparkle stars na sina Yasser Marta, Kokoy De Santos, Michael Sager, at vlogger-actor na si Kimpoy Feliciano.
Matatandaan na ang apat na aktor na ito ay kabilang sa mga nagsisilbing hosts ngayon ng bagong Eat Bulaga.
Kilalanin pa ang Chaleco Boys sa gallery na ito:
Chaleco Boys
Ang newest boy group na Chaleco Boys ay binubuo ng Kapuso stars at Eat Bulaga hosts na sina Yasser Marta, Kokoy De Santos, Michael Sager, at vlogger-actor na si Kimpoy Feliciano.
Kilig tanghali
Tiyak na magbibigay ng extra saya at kilig ang Chaleco Boys sa bawat pananghalian ng mga Kapuso na manonood ng Eat Bulaga.
Yasser Marta
Isa si Yasser Marta sa miyembro ng Chaleco Boys. Regular na rin siyang napapanood ngayon bilang host ng Eat Bulaga.
Certified hottie
Kilala ang Kapuso actor na si Yasser Marta dahil sa husay niya sa pag-arte sa maraming Kapuso drama series at sa kaniyang pagiging certified hunk.
Kokoy De Santos
Si Kapuso comedian-actor Kokoy De Santos na unang nakilala dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa mga independent film at TV series ay sinubukan na rin ang hosting ngayon.
Killer dimple
Ang killer dimple ni Kokoy De Santos ang isa kaniyang asset pagdating sa pagpapakilig ng kaniyang fans.
Michael Sager
Si Michael Sager ay isa sa miyembro ng talented young stars ng Sparkle na Sparkada na napapanood sa Sunday variety show na All-Out Sundays. Isa rin si Michael sa cast sa unang Luv Is series na Caught In His Arms.
Kimpoy Feliciano
Matagumpay naman na nag-transition si Kimpoy Feliciano mula sa pagiging YouTube vlogger patungo sa mainsteam media bilang isang aktor at ngayon ay isang TV host.