Tito Sotto, Vic Sotto, Joey De Leon leave TAPE Inc.
In an emotional moment, Eat Bulaga's power trio Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey De Leon announced that they are leaving TAPE Inc. starting today, May 31.
"Simula ngayong araw, May 31, kami po ay magpapaalam na sa Tape, Inc," Vic Sotto announced on Eat Bulaga live feed on its YouTube channel.
"Karangalan po namin na kami nakapaghatid ng tuwa't saya mula Batanes hanggang Jolo, at naging bahagi ng buhay ninyo."
"Maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Hanggang sa muli, saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo't isang tuwa."
Before announcing the sad news, Vic said that they only wanted to have a peaceful job and workplace.
"Hindi na po namin iisa-isahin ang laman ng aming mga puso at damdamin. Hangad lang po namin ay makapagtrabaho nang mapayapa, walang maaagrabyado, at may respeto sa bawat isa," he said.
The trio, who are collectively known as TVJ, revealed that the new management of TAPE Inc. did not give them permission to air live on national television today, which is why today's episode was a replay. The announcement, on the other hand, was only shown on live streaming.
Tito said, "Pumasok po kami ngayong araw para makapagtrabaho pero hindi po kami pinayagang umere nang new management nang live. Hindi po kami pinayagan mag-live ng new management."
Joey added, "Kung natatandaan niyo po, July 30, 1979, nang simulan namin ang Eat Bulaga 44 years na po ngayong taon na 'to. Apatnapu't apat na taon kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa mga naging tahanan namin."
Before transferring to GMA, Eat Bulaga first aired on RPN-9 and ABS-CBN.
Vic also thanked everyone who supported Eat Bulaga in the last four decades.
"Nagpapasalamat din kami sa lahat ng advertisers mula 1979 na nagmahal, nagtiwala, at sumuporta sa amin," he said.
Tito added, "Ganun din po sa inyo mga dabarkads, sa mga manonood, sa inyong pagmamahal sa programang naging bahagi ng inyong tanghalian. Lubos din ang aming pagpapasalamat kay Mr. Tony Tuviera sa pagkakaibigan at pagiging bahagi ng aming pamilya."
"At higit sa lahat sa panginoong Diyos na kahit kailan hindi niya kami pinabayaan."
Present in the announcement of TVJ are longtime Eat Bulaga dabarkads Allan K, Jose Manalo, Wallay Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Ryza Mae Dizon, and Maine Mendoza, who were wearing black-and-white clothes.
MEANWHILE, TAKE LOOK BACK AT EAT BULAGA'S MILESTONES HERE:
Eat Bulaga!
Nagsimula ang 'Eat Bulaga!' noong 1979 sa RPN-9. Matapos ang 10 taon, lumipat ang noontime show sa ABS-CBN bago ito nakahanap ng tahanan sa GMA-7.
GMA-7
Taong 2019, pumirma ang 'Eat Bulaga!' at ang producer nitong TAPE Inc. ng extention contract sa GMA-7.
Record holder
Ang 'Eat Bulaga!' ang longest-running noontime show sa bansa at nag-celebrate sila ng kanilang 40th anniversary noong July 2019.
APT Studios
Matapos ang 23 taong pananatili sa Broadway Centrum, lumipat ang 'Eat Bulaga!' sa bagong APT Studios sa Cainta, Rizal, noong December 2018.
Aparri hanggang Jolo
Dahil sa tagal na nilang nasa telebisyon, nakilala na rin ang theme song ng 'Eat Bulaga!'
Eat Bulaga! Indonesia
Ang 'Eat Bulaga!' din ang kauna-unanag Filipino television show na nagkaroon ng franchise sa ibang bansa.
Digital
Hindi rin nagpahuli ang 'Eat Bulaga!' sa takbo ng mundo dahil mayroon ng 3.24 million subscribers ang YouTube account ng programa.
Phenomenal love team
Higit sa lahat, walang makakatalo sa phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Trending
Sa katunayan, hawak ng 'Eat Bulaga!' ang Guinness Book of World Records para sa pinakamaraming tweets sa isang hashtag sa loob ng isang araw.
40 million tweets
Ayon sa Guinness Book of World Records, may mahigit 40 million tweets sa araw ng 'Tamang Panahon' benefit concert noong 2015.
50% rating
Sa kauna-unahang pagkakataon, pumalo rin sa 50.8% ang ratings ng 'Eat Bulaga!' noong 'Tamang Panahon' concert. Ito na ang pinakamataas na ratings na nakuha ng isang show sa Pilipinas.