Filtered By: TV
betong sumaya
Source: Tape Inc. (Facebook)
TV

Betong Sumaya, first-time nag-celebrate ng birthday sa national TV via 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Happy birthday, Amazing Betong!

Masayang nagdiwang ng kanyang kaarawan ang comedian at TV host na si Betong Sumaya ngayong Martes, Novermber 21, sa Eat Bulaga.

Ayon kay Betong ito ang first time mag-celebrate siya ng kanyang birthday on natitonal TV sa pamamagitan ng nasabing noontime show.

Bilang selebrasyon, naghandog si Betong ng song and dance performance para sa mga Kapusong manonood.

Matapos ang kanyang birthday performance, agad na nagtungo ang Eat Bulaga hosts sa stage at sinalubong ng mahigpit na yakap si Betong.

RELATED GALLERY: Sparkle artist Betong Sumaya, mapapanood sa 'Eat Bulaga'

Habang hinihipana ng mga kandila sa kanyang cakes, nakikanta rin ng “Happy Birthday” ang studio audience.

Emosyonal naman si Betong sa kanyang mensahe sa kanyang Eat Bulaga family, sa mga Ka-Bulaga, at sa Sparkle GMA Artist Center.

“From the bottom of my heart and my soul, maraming maraming salamat po. To God always be the glory. Isang malaking unexpected blessing po itong Eat Bulaga para sa amin pong lahat hindi lang po ako,” ani Betong.

“Maraming salamat po sa araw-araw na magkakasama po tayo. Naging pamilya na po talaga tayo at naramdaman ko po 'yung appreciation n'yo sa aming lahat,” dagdag pa niya.

Samantala, bukod sa Eat Bulaga, napapanood din si Betong bilang livestream host ng The Voice Generations tuwing Linggo, 7:20 p.m.

Tumutok naman sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 noon, at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.