GMA Logo eat bulaga hosts
Source: @officialtapeinc on Facebook
What's on TV

'Eat Bulaga' hosts at studio audience, naiyak sa fighting spirit ng magkapatid na kambal sa 'G sa Gedli'

By Kristian Eric Javier
Published July 11, 2023 8:30 PM PHT
Updated July 12, 2023 11:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

eat bulaga hosts


Naantig ang damdamin ng 'Eat Bulaga' hosts at studio audience sa ipinakitang fighting spirit ng magkapatid na kambal may physical challenges sa "G sa Gedli."

Ilang hosts ng Eat Bulaga at studio audience ang naiyak sa ipinakitang fighting spirit ng magkapatid na kambal sa "G sa Gedli" segment ng longest noontime show.

Pumunta ang hosts na sina Isko Moreno at Betong Sumaya sa Valenzuela City para magbigay ng saya at papremyo sa ilang mga residente sa segment na "G sa Gedli." Isa sa mga napili nilang bigyan ng tulong ay ang magkapatid na sina Jaylo at Jaymar.

May pisikal na kapansanan ang dalawa. Si Jaylo ay may kapansanan sa paglalakad habang ang Jaymar naman ay hindi na nakakalakad. Ayon sa una, inborn ang kanilang kundisyon at wala sila wheelchair na magagamit para sa pagpasok ni Jaymar sa paaralan.

Nang tanungin sila kung ano ang pangarap nila, ang sagot ng kamabal ay maging engineer.

“Magsisikap po talaga ako na maging magaling na engineer. 'Tsaka ipapatayo ko pa 'yung mga magulang ko ng bahay in the future,” sabi ni Jaymar

Kaugnay nito, nagbigay rin siya ng importanteng mensahe para sa mga manonood: “Walang haharang sa inyo, pagbutihin niyo lang, walang makakapigil sa inyo.”

Dito na tumulo ang luha ng ilan sa hosts pati na ang studio audience. Hindi rin napigilan ni Isko na ipahayag ang pagkabilib niya sa fighting spirit ng dalawa.

“Gusto ko ang fighting spirit nitong dalawa,” sabi ni Isko.

Samantala, panoorin ang buong eksena sa segment dito:

TINGNAN ANG PAGBIBIGAY PUGAY NG MGA HOSTS NG EAT BULAGA SA KANILANG STAFF AND CREW DITO: