Filtered By: TV
Isko Moreno
Source: Eat Bulaga Na! (Facebook)
TV

Isko Moreno, hinangaan ng netizens bilang bagong host ng 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Isa si Isko Moreno sa mga bagong host ng 'Eat Bulaga' sa GMA.

Napapanood na ngayon bilang isa sa mga bagong host ng Eat Bulaga ay ang aktor at dating alkalde ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso o kilala rin bilang si Yorme Isko.

Sa bagong segment ng longest-running noontime show na “G sa Gedli,” regular na napapanood si Yorme kasama ang co-host na si Buboy Villar. Sa nasabing segment, magtutungo sa labas ng APT Studios sina Yorme at Buboy upang maghanap ng masuwerteng dabarkads na makakapanayam nila at mabibigyan ng cash prize.

Hinangaan naman ng mga netizen ang pagiging malapit sa tao ni Yorme dahil sa kaniyang magalang at professional na pakikipag-usap sa mga tao.

Sa katunayan, trending ngayon sa TikTok ang ilang video clips ng Eat Bulaga tampok sina Yorme at Buboy sa nasabing segment.

Isa na rito ang episode kung saan nakausap nina Yorme ang isang ina na si Cindy na papunta na sana sa isang ospital sa Quezon, City upang bayaran ang hospital bill ng namayapa niyang anak na nagkakahalaga ng PhP48,000.

Nang malaman ni Yorme ang sitwasyon ni Cindy, agad na nagpaumanhin ang una at nagbigay ng mensahe sa huli.

“Ganito ang gagawin natin, makalimutan mo man lang saglit ang pinagdaraanan mo. Alam mo mahirap ang mamatayan lalo na ng anak. Usually 'yung anak ang naglilibing sa magulang kaya masakit sa isang magulang ang maglibing sa anak,” ani Yorme.

Dahil sa kalagayan ni Cindy, hindi nagdalawang-isip ang host na tulungan ito. Aniya, “Tutulungan ka ng Eat Bulaga. What are the chances na makita ka namin sa kalsada, forty eight thousand ang kailangan mo? Wala ka ng problema ngayon! Tibayan mo ang loob mo, 'wag kang aalis, sumama ka sa oblo [loob ng studio].”

Masayang-masaya naman si Cindy at agad nagpasalamat sa host at sa programa.

Sa comments section ng nasabing video, marami ang nagpadala ng kanilang mga positibong komento para kay Isko.

“Galing ni Yorme. very natural! Your one of a kind yorme!!!! Nakakaiyak naman!” komento ng isang netizen.

“Yorme lodi ka talaga...napaka-down to earth talaga ng taong 'to. God bless po,” saad pa ng isang netizen.

“Thank you Lord for using Yorme and Eat Bulaga to help Ate,” dagdag naman ng isa pang netizen.

Sa isa pang episode, kinaaliwan din ang ginawa nina Yorme at Buboy na pagpakyaw ng paninda ng isang banana cue vendor na nagtitinda sa labas ng studio kung saan binigyan nila ito ng PhP10,000.

Masayang-masaya naman ang driver at mga pasahero ng isang jeepney na pinara nina Yorme at Buboy at kanilang binigyan din ng cash prizes.

Tutukan ang bagong Eat Bulaga, Lunes hanggang Sabado, 12:00 ng tanghali sa GMA.

KILALANIN NAMAN ANG MGA BAGONG HOST NG EAT BULAGA SA GALLERY NA ITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.