Filtered By: TV
Gutierrez Family
Source: monchinggutz (Instagram)
TV

Monching Gutierrez, kaibigan na rin ang bagong asawa ng ex-wife na si Lotlot De Leon

By Jimboy Napoles
Bukod sa maayos na co-parenting set-up, maganda rin ang relasyon ni Monching Gutierrez sa bagong mister ng ex-wife na si Lotlot De Leon.

Ibinahagi ng aktor na si Ramon Christoper o kilala rin bilang Monching Gutierrez na maayos ang co-parenting set-up nila ng ex-wife na si Lotlot De Leon para sa kanilang mga anak. Gayundin ang relasyon niya sa bagong asawa ni Lotlot na si Fadi El Soury.

Isa sa naging guest choices sa segment na “Bawal Judgmental” sa Eat Bulaga si Monching kung saan tampok ang mga artista na nasa isang co-parenting set-up.

Dito ikinuwento ni Monching na masaya ang modern family nila ni Lotlot kasama ang kanilang mga anak na sina Janine, Jessica, Maxine, Diego Gutierrez, at new husband ni Lotlot na si Fadi.

Sa katunayan, magkakasama pa raw silang mag-celebrate ng Pasko at ng Bagong Taon.

Aniya, “Maayos na maayos kahit noong araw na maliliit pa 'yung mga bata. Hanggang ngayon happy family kami pati 'yung husband ni Lot. Ang mga Pasko namin, New Year, magkakasama kami.”

Nagpapasalamat naman si Monching sa dating misis na si Lotlot dahil maganda ang naging pagpapalaki nito sa kaniyang mga anak.

“Mababait 'yung mga anak ko, okay 'yung pagpapalaki sa kanila pero credit kay Lot 'yung mga ganiyan kasi si Lot 'yung mas madisiplina,” ani Monching.

Nang muli namang tanungin ng host na si Jose Manalo kung kumusta ang relasyon niya sa asawa ngayon ni Lotlot na si Fadi, ito ang kaniyang naging sagot, “Okay kami, magkaibigan kami ng husband niya. Maganda naman ang samahan talaga.”

Samantala, mapapanood pa rin sina Monching at Lotlot sa finale week ng GMA Primetime Series na The Write One.

Tumutok naman sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

KILALANIN NAMAN ANG PITONG LALAKI SA BUHAY NI LOTLOT DE LEON SA GALLERY NA ITO:


NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.