
Aminado ang isa as mga haligi ng Eat Bulaga na si dating Senate President Tito Sotto na nasaktan siya sa pahayag na mananatili sila sa longest-running noontime show sa Pilipinas.
Sa Updated with Nelson Canlas podcast, nilinaw rin ni Tito na sa kanilang tatlo nina Vic Sotto at Joey De Leon ang Eat Bulaga.
"Masagwang pakinggan sa amin 'yung mare-retain kami. Para bang puwede kaming sipain, e, kami nga ang 'Eat Bulaga,'" saad ni Tito sa panayam ni Nelson Canlas.
"My unsolicited advice to them, mag-iingat naman kayo sa mga bitaw ng salita dahil nakakasakit. Kami, pigil na pigil kami. Ang tagal na naming gusto ilabas lahat 'yan pero pinipigil namin.
"Pagkatapos biglang babanatan n'yo kami ng ganyan? Mabibitawan kami ng salita na ire-retain kami. Ha? Para namang napakakawawa namin, 'di ba? I think it's improper.
"That kind of statement is improper."
Paliwanag ni Tito Sotto, producer ang papel na ginagampanan ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.) ngunit hindi sila ang may-ari ng programa.
"Ang TAPE Inc. [ay] producer, ang 'Eat Bulaga,' kami, ang production," paglilinaw ni Tito.
"If it's a copyright issue, definitely, it's owned by Joey de Leon, and the three of us. Siya ang nag-imbento ng pangalan, e. That is uncontestable.
"Copyrighted or not, immaterial 'yun. Ask the lawyers, there's no such thing na ikaw ang may pagmamay-ari ngayon pero ito ang nag-imbento pero ang may-ari sila? Hindi pwede 'yun.
"If you're talking of Eat Bulaga, it's owned by Joey de Leon, and Tito, Vic, and Joey. If you're asking about TAPE , TAPE is owned by them. I think 75% Jaloslos family, 25% si Tony [Tuviera]."
Panoorin ang buong tell-all interview ni Tito Sotto sa Updated with Nelson Canlas DITO:
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG MILESTONES NG EAT BULAGA SA NAGDAANG APAT NA DEKADA DITO: