Kim De Leon, may makaka-virtual date ngayong July 23
Ngayong July 23, si Kim De Leon naman ang makakasama natin sa online dating show na E-Date Mo Si Idol.
Ang StarStruck season 7 Ultimate Male Survivor na si Kim ang bagong Kapuso star na maghahanap ng kanyang makaka-date sa programa. Tutulungan pa siya ng host sa episode na ito na si Anthony Rosaldo.
Kuwento ni Kim sa kanyang post ay excited na siya sa kanyang date ngayong Thursday night.
"This is super exciting! I'm the next searcher ng ating newest favorite online dating show! E-DATE MO SI IDOL."
Saad pa niya, "Kapuso, ikaw na ba ang makaka-date ko this July 23?"
Abangan ang kanyang virtual date live na live ngayong July 23, 8:00 p.m. sa GMA Network Facebook page at sa GMA Artist Center YouTube channel.
Sanya Lopez, nag-enjoy sa kanyang online date
Martin del Rosario, maghahatid ng regalo sa kanyang fan na naka-online date