Filtered By: TV
TV

Martin del Rosario, maghahatid ng regalo sa kanyang fan na naka-online date

By Maine Aquino
Panoorin ang kanilang naging online date at alamin kung bakit naiyak ang date ni Martin del Rosario sa 'E-Date Mo Si Idol.'

Masayang masaya si Martin del Rosario sa kanyang online date sa E-Date Mo Si Idol.

Sa episode na ito nakasama ni Martin del Rosario si Mikee Quintos bilang host. Si Mikee ay dati na ring sumali sa online show na ito.

Ang fan na naka-date ni Martin ay naiyak sa tuwa pagkatapos siyang mapili. Ibinahagi pa niya ang shows kung saan naging unang crush niya ang Kapuso actor.

Ikinuwento rin niya kay Martin na siya ay natutuwa sa posts ni Martin sa social media accounts niya lalo na sa TikTok.

Ibinahagi naman ni Martin na ipapadala niya ang kanyang jacket bilang remembrance sa kanilang online date.

Abangan ang next episode ng E-Date Mo Si Idol ngayong Thursday sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center YouTube channel.

Bianca Umali, naka-online date ang lalaking malapit sa kanyang lola

Gil Cuerva, naka-online date ang isang Pinay mula sa California

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.