Martin del Rosario, naghahanap ng ka-online date ngayong July 9
Ngayong July 9, isang Kapuso hunk ang maghahanap ng kanyang makaka-date sa E-Date Mo si Idol.
Si Martin Del Rosario ang celebrity searcher na maghahanap ng isang lucky searchee na kanyang makakasama sa isang date.
Saad ni Martin, "Can't wait to be the next celebrity searcher of our newest favorite online dating show -- E-DATE MO SI IDOL."
Makakasama naman ni Martin ang dati ring sumali sa E-Date Mo Si Idol na si Mikee Quintos. Siya naman ang magiging host sa episode na ito.
Para sumali, mag-comment lamang kung bakit ikaw ang dapat mapili ni Martin na maka-date sa GMA Artist Center Instagram post na ito.
Good luck mga Kapuso!
Bianca Umali, naka-online date ang lalaking malapit sa kanyang lola