What's on TV

WATCH: Pilot episode ng 'Dragon Lady'

By Bianca Geli
Published March 5, 2019 3:02 PM PHT
Updated March 5, 2019 3:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin ang full pilot episode ng Dragon Lady dito.

Inabangan at sinuportahan ang unang episode ng GMA Afternoon Prime series na Dragon Lady na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez, kasama ang special guests na sina Bea Binene, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin. Kabilang din dito sina Leo Martinez, Isabelle de Leon, Denise Barbacena at iba pa.

Sa isang Chinese New Year celebration sa Binondo unang ipapakita sina Almira (Bea Binene) at Charles (Derrick Monasterio), nag-iibigan kahit pinagbabawalan ng pamilya. Nagtatrabaho si Almira sa kompanya ng mga Lim na pagmamay-ari ni Wilson (Leo Martinez), ama ng pinapares kay Charles na si Vera (Isabelle de Leon).

Tutol man ang pamilyang Chinese ni Charles sa kanilang relasyon, ipaglalaban pa rin nila ang kanilang pag-iibigan at patuloy ang pagpares ni Vera. Para makaiwas sa gulo, magre-resign mula sa kompanya ng mga Lim si Almira.

Habang nagpapaliwanag kay Wilson si Almira, ay tatangkain siyang na gahasain ng amo ngunit manlalaban ito gamit ang dragon statue na naka-display malapit sa kaniya. Aatakin sa puso si Wilson at mamamatay. Tatakas si Almira, tangay ang dragon statue na may dala palang suwerte at makakapagpabago ng kaniyang buhay.

Balikan ang pilot episode ng Dragon Lady: