
Isang mas mature na role ang gagampanan ni Bea Binene bilang young Almira sa Dragon Lady, isang dalaga na mapapamahal sa isang Chinese na negosyante.
Kuwento ni Bea tungkol sa kaniyang new role, “Ako rito 'yung young Almira, siyempre happy ako kasi napasama kami rito. Biglaan itong nabigay sa amin, at maganda 'yung story.”
Dagdag ni Bea, na-excite rin daw siya na makita ng mga manonood ang special effects sa Dragon Lady.
“Talagang pinaghirapan siya, maraming effects. Excited akong mapanood ng mga tao.”
Napasabak din sa iyakan si Bea, na makakasama sina Derrick Monasterio at Kristoffer Martin sa mga eksena.
“Ubos na ang luha ko. ma-drama na hindi mo maiimagine kasi maraming unexpected na pangyayari na hindi mo usually napapanood sa isang teleserye.”
READ: Derrick Monasterio, sino ang naging ka-close na actress sa 'Dragon Lady'?
Janine Gutierrez, dream role ang 'Dragon Lady?'