
Magkakaroon ng mini reunion ang Tween Hearts stars na sina Bea Binene, Derrick Monasterio at Kristoffer Martin sa bagong serye ng GMA na Dragon Lady.
“Madali [silang ka-eksena] dahil at ease na kami sa isa't isa pero nakaka-pressure siya kasi jina-judge nila ako,” kuwento ni Bea.
“Si Kristoffer sasabihin niya, 'Ayusin mo' ganyan-ganyan so mape-pressure talaga ako.”
Nakipagpulong naman ang production team ng Sahaya kay Ramon Magsaysay Awardee Ligaya Fernando-Amilbangsa para sa mas maiintindihan ang kultura ng mga Badjao.
Alamin yan at iba pang showbiz balita sa buong report ni Nelson Canlas para sa Balitanghali sa video na ito: