TV

'DOTS Ph,' mahigpit na sinusunod ang health protocols sa lock-in taping

By Aaron Brennt Eusebio
Nagkuwento sina Jon Lucas at Prince Clemente ng kanilang karanasan sa lock-in taping ng 'Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)' sa Tanay, Rizal.

Aminado ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) actors na sina Jon Lucas at Prince Clemente na naninibago sila sa "new normal" pagdating sa taping ng kanilang programa.

DOTS Ph alpha team

Reporting for duty na ang Alpha Team ng 'Descendands of the Sun (The Philippine Adaptation)' na sina (clockwise from top left), Prince Clemente, Dingdong Dantes, Lucho Ayala, Jon Lucas, at Rocco Nacino. / Source: luchoayala_ (IG)

Kasalukuyang naka-lock-in taping ang buong cast and crew ng DOTS Ph na pinangungunahan nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino, at Jasmine Curtis-Smith sa Tanay, Rizal.

Kuwento ni Jon, araw-araw mino-monitor ang kanilang health status at kailangan nilang magsuot ng face mask at face shield.

Aniya, “Talagang kahit saan ka magpunta rito, kahit sinong kausapin mo, or sinong lapitan mo, dapat lagi mong suot 'yung face mask mo tsaka face shield para na rin sa safety ng bawat isa.”

Dagdag ni Prince, “Kapag nagkita-kita kami, wala munang appear-appear, tsaka laging naka-face mask.”

Bukod riyan, sinabihan rin ang cast at crew na huwag magpakalat-kalat sa location 'pag walang taping para sa kanilang kaligtasan.

Mapapanood ngayong taon ang fresh episodes ng Descendants of the Sun kaya tutok lang sa GMA Telebabad!

Dingdong Dantes talks about 'DOTS Ph's lock-in shoot and the struggles that come with it

Paul Salas shares sneak peek of DOTS Ph's lock-in taping

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.