IN PHOTOS: Meet the hot titos of 'Descendants of the Sun Ph'
Kung kinikilig kayo sa alpha team, ma-in-love din kayo sa mga gwapong 'ahjussi' ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)!
Iyan ay sina Ricardo Cepeda, Roi Vinzon, Neil Ryan Sese, Antonio Aquitania, Bobby Andrews, Tonton Gutierrez, at Gabby Eigenmann.
Muling mapapanood ang mga matitikas na batikang aktor sa Pinoy version ng South Korean drama simula October 26.
Nagbalik ang produksyon nito noong Setyembre, matapos mahinto nang anim na buwan dahil sa quarantine na sanhi ng COVID-19 pandemic.
Sa pagbabalik ng serye sa telebisyon, matutunghayan ang kuwento ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) mula umpisa bilang refresher sa loob ng dalawang linggo.
Ipapalabas naman ang fresh episodes ng serye simula November 5.
Pero bago iyan, kilalanin muna sa gallery na ito ang mga beteranong aktor na kabilang sa cast ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) na minahal ng mga manonood.
Ricardo Cepeda
Gagampanan ni Ricardo Cepeda ang papel ni Brigadier General Carlos Defensor, ama ni Captain Moira na gagampanan ni Jasmine Curtis-Smith.
Commanding officer
Si BGen Carlos Defensor ang magiging hadlang sa pag-iibigan ng kanyang anak at ni Technical Sergeant Diego Ramos, na gagampanan ni Rocco Nacino.
Diet
Kilala si Ricardo at kanyang partner na si Marina Benipayo bilang advocates ng low carb and intermittent fasting diet kaya napapantili nilang fit ang kanilang pangangatawan. Si Marina ay parte rin ng 'Descenants of the Sun PH,' kung saan gaganap siya bilang ina ni Maxine na gagampanan ni Jennylyn Mercado.
Roi Vinzon
Bibigyang-buhay ni Roi Vinzon ang karakter ni retired Sergeant Major Abraham Manalo, ama ni Captain Lucas Manalo, na gagampanan ni Dingdong Dantes.
Age
Kung titingnan, tila hindi 69 years old si Roi dahil matikas pa rin ang kanyang tindig. Ayon sa kanyang huling Instagram post, umiinom siya ng fitness coffee bago at pagkatapos niyang magworkout.
Neil Ryan Sese
Gagampanan ni Neil Ryan Sese ang papel ni Rodel Dela Cruz, dating sundalo na ngayon ay lider na ng terrorist group na Philippine Revolutionary Group o PRG.
Business
Cycling naman ang nakakahiligang exercise ni Neil Ryan. Ginagamit niya rin itong mode of transportation sa pagde-deliver ng kanyang seafood products.
Antonio Aquitania
Bibigyang-buhay ni Antonio Aquitania ang karakter ni Colonel Bienvenido Garcia, ang commanding officer na naka-destino sa peacekeeping mission ng Special Forces Squad o Alpha Team.
Conflict
Sa serye, magkakaroon ng hidwaan sina Col Bienvenido at Cpt Lucas dahil magkasalungat ang kanilang mga paniniwala.
Cycling
Tulad ni Neil Ryan, hilig din ni Antonio ang pagba-bike. Kung saan-saang lugar na nakakarating ang aktor gamit ang kanyang bike kaya naman tinawag niya ang kanyang sarili na "Tunying Palibot." Minsan na rin niyang naka-samang mag-urban bike sina John Estrada at Gloc-9.
Medical mission
Si Dr. Eric Chavez ang magpapadala kay Dr. Maxine Dela Cruz, na gagampanan ni Jennylyn Mercado, sa medical mission sa Urdan.
Matinee idol
Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang charm ng '90s heartthrob na si Bobby. Mayroon siyang dalawang anak na parehong nang teenager.
Skin care
Para naman mapanatiling fresh ang kanyang appearance, gumagamit ng skin care products si Tonton, gaya ng kanyang asawang si Glydel Mercado.