
Nakipagkuwentuhan ang expectant mom na si Nicole Donesa sa kanyang fans sa kanyang livestream para sa Descendants of the Sun PH instructional online show na DOTS How To Do It kahapon, September 17.
Dahil "Ber" month na, virtual makeup for Christmas parties ang itinuro ng aktres na gumaganap sa karakter ni Nurse Via sa Kapuso series.
Habang isinasagawa ang kanyang fresh and simple makeup routine, ibinahagi ni Nicole ang kanyang pregnancy journey.
Apat na buwan na lang ay isisilang na ni Nicole ang first baby nila ni Mark Herras kaya naghahanda na sila para sa kanyang delivery.
Photo from Nicole Donesa's Instagram account
Pahayag ng Descendants of the Sun PH star, "Lahat kami super excited and nagpe-prepare na ko lalo na ngayon I'm due on January 2021. So by December, kailangan na lahat, hindi lang 'yung gamit ni baby, pati 'yung gamit ko pang hospital kasi you'll never know kahit due ako ng January baka sa December, puputok na ko, 'di ba?"
Sa gitna na pandemya, may ilang artista na minabuting manganak sa pamamagitan ng water birthing at home gaya nina Max Collins at Coleen Garcia.
Gayunpaman, mas gusto pa rin daw ni Nicole na manganak sa ospital.
"I wanna give birth pa rin sa ospital," saad niya. "We've been thinking about giving birth at home naturally, parang ginagawa ng ibang atista, parang water birth. Pero takot pa rin ako, I'm scared.
"Sobrang mababa lang 'yung tolerance ko sa pain kaya feeling namin ang ending namin is sa hospital with my OB kahit masakit sa bulsa."
Sa isang parte ng livestream, sinabi ni Nicole na isa sa Christmas wishes niya na maisilang niya nang safe ang kanyang anak sa kabila ng banta ng COVID-19.
"Whether normal or cesarean [delivery], basta safe lahat. Sana walang COVID na mangyayari, siyempre. The whole thing is giving me anxiety. Sana my baby will be healthy, safe, and normal," dalangin ni Nicole.
Sa kabila ng takot at mga nararamdamang pagbabago sa kanyang katawan, mas nangingibabaw pa rin daw kay Nicole ang excitement na ma-meet ang kanyang Baby Corky.
"I'm happy talaga because of my pregnancy pero, siyempre, 'pag buntis ang daming nararamdaman. I did constant suka-suka every morning then naging every night. I think that's the only one stopping me from being truly happy. Pero deep inside sobrang excited and happy ako for this new chapter sa buhay ko.
"Since this is my first pregnancy, ang hirap talaga. It's hard pala being pregnant, it's no joke kaya 'yung mga mommies talaga d'yan, salute, respect talaga kasi i'm just beginning and it's so hard. Imagine pa 'pag [delivery na]."
Panoorin ang DOTS How To Do It episode ni Nicole dito: