TV

Ken Chan gets emotional over last taping day of 'Destiny Rose'

By MICHELLE CALIGAN
Updated On: March 25, 2020, 08:18 AM
"Oo ito na ang aming huling taping pero hindi pa ito ang araw na magwawakas ang makulay na buhay ni Destiny Rose." - Ken

Sa lahat ng naging proyekto ni Ken Chan sa Kapuso network, ang Destiny Rose na yata ang pinakamalapit sa kanyang puso. Bukod sa pagkakasungkit ng title role ay dumaan din sa isang matinding transformation ang young actor.

READ: Ken Chan, hindi napigilang maging emotional sa presscon ng 'Destiny Rose' 

Kaya hindi na nakakapagtaka kung maging emotional si Ken sa last taping day ng Destiny Rose.
 

 

A photo posted by Ken Chan (@akosikenchan) on



"Kanina sa pagmulat ng aking mga mata ako'y napangiti pero nalungkot din naman kagad. Sabi ko sa sarili ko "ito na pala ang aming huling taping". Kinuha ko ang aking script at paglipat ko sa huling pahina bumungad sakin kagad ang salitang WAKAS," he began his lengthy caption.

"Ang hirap isabuhay ng eksenang ito. Parang ayoko pang gawin pero kailangan na. Alam kong darating ang oras na tutuldukan na ang aming istorya pero dito ko napagtanto na ang bawat katupusan ay siya namang umpisa ng isang magandang kwento. Oo ito na ang aming huling taping pero hindi pa ito ang araw na magwawakas ang makulay na buhay ni #DestinyRose. Samahan niyo po kami hanggang sa pagtiklop ng aking talaarawan(diary)."

Isang video naman ang makikita sa Instagram ni Ken showing the cast in a happy mood. Nag-post din si Ken ng isang group photo.



 

F A M I L Y ?? #LastTaping #DestinyRose #DRLitosThreat

A photo posted by Ken Chan (@akosikenchan) on



READ: Fabio Ide, aminadong mami-miss ang kanyang 'Destiny Rose' family

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.