Magkakaroon nga ba ng kissing scene sina Ken at Fabio? By MARAH RUIZ
Sa episode kahapon, October 1, ng Afternoon Prime series na Destiny Rose, aktong hahalikan na ni Joey (Ken Chan) si Gabriele (Fabio Ide) habang naghihintay silang tumila ang ulan sa ilalim ng isang puno.
Kaya naman tanong ng mga televiewers, magkakaroon nga ba ng kissing scene sina Ken at Fabio?
"Inaabangan ko nga yung intimate scenes namin ni Fabio," bahagi ni Ken sa 24 Oras.
Hindi naman daw nagkakailangan ang dalawang aktor sa ganitong uri ng mga eksena.
"Hindi kami natatawa sa isa't isa. Hinihimay namin 'yung mga mata namin, 'yung emotions namin," paliwanag nito.
Samantala, sumabak naman si Ken sa pagsasanay para magsuot ng high heels. Sa takbo ng kuwento, magta-transition ang karakter na si Joey bilang ang transgender women na si Destiny Rose.
"Once na sinuot ko na 'yung heels, parang sinusuot ko na din si Destiny Rose. Ganun yung feeling niya sa akin. Malaking tulong siya sa akin para magawa siya ng maayos, para mabuo ko si Destiny Rose," ayon kay Ken.
Bukod dito, pinagaaralan din ni Ken ang mga kilos at pananalita ng mga transwomen.