Mga gamit ni Rhian Ramos, sinubukang ibenta ni Karenina Haniel sa 'Dear Uge' FB live chat
Nakipagkuwentuhan sina Rhian Ramos at Karenina Haniel sa kanilang fans via Facebook live sa official Facebook page ng Dear Uge noong September 8.
Nasa set noon ang dalawang aktres ng bagong episode ng Kapuso sitcom na mapapanood ngayong Linggo (September 19). Pinamagatan itong "Deadz Ako Sa Yo" na pagbibidahan nina Rhian at Paolo Contis.
Naki-bonding sina Rhian at Karenina sa avid supporters ng Dear Uge at nagbigay ng shoutout sa kanilang mahigit dalawang libong viewers.
Nag-ala Madam Inutz pa si Karenina nang ibenta ang mga gamit ni Rhian nang umalis ito sa livestream para i-shoot ang mga kailangang eksena.
Ilan sa mga ni-"live sell" ni Karenina ang shirt, kumot, at pagkain ni Rhian at agad namang may mga nag-"mine" sa mga ito.
Panoorin ang nakaka-aliw na Facebook live dito:
Tampok sa upcoming Dear Uge episode na "Deadz Ako Sa 'Yo" si Rhian na gaganap sa papel na Aloha.
May trauma sa marriage proposals si Aloha dahil tatlo sa kanyang boyfriends ay namatay matapos alukin siyang magpakasal.
Paniniwala niya tuloy, sumpa ang marriage proposals kaya naman nagbago ang pananaw niya sa pakikipag-relasyon.
Mas pipiliin niya ang mga lalaking hindi naniniwala sa kasal gaya na lang ng tattooed rocker na si Tats, na gagampanan ni Paolo.
Tingin ni Aloha kay Tats, iresponsable at walang planong magpakasal. Pero paano na lang kung si Tats ay loving, honest, at loyal sa kanya?
Seryosohin niya kaya ito? At paano na lang kung lumuhod na ito sa kanyang harap habang may hawak na singsing?
'Yan ang dapat abangan sa all-new episode ng Dear Uge this Sunday kasama si Eugene Domingo bilang Mary Juana Habpan.
Pero bago 'yan, narito ang pasilip sa ilang tagpo sa "Deadz Ako Sa 'Yo:"