Alex Diaz, na-in love kay Anjo Damiles sa 'Dear Uge'
Riot na katatawanan at may kapupulutang aral ang handog ng Dear Uge noong Linggo, July 4!
Sa episode na "While You Were Forgetting," isang hindi pangkaraniwang love triangle ang natunghayan, kung saan involve ang best man sa LQ ng soon-to-be bride at groom.
Ikakasal na sana sina Armand (Alex Diaz) at Vicky (Analyn Barro), pero isang araw bago ang kanilang pag-iisang dibdib, nasangkot sa isang aksidente si Armand.
Nagtamo ng head injury ang huli na nagdulot para magkaroon siya ng amnesia.
Ni hindi nga makilala ni Armand ang kanyang fiancé na si Vicky at hindi maalala kung gaano niya ito kamahal.
Tila nabura lahat ng memory ni Armand kaya nakahanap siya ng bagong pag-ibig sa katauhan ng best man niyang si John (Anjo Damiles) na pinsan Vicky!
Pinagtapat ni Armand ang kanyang feelings kay John pero ni-reject siya nito. Pinilit naman ni Vicky na mapa-in love muli ang boyfriend pero walang epek ang pangse-seduce niya rito.
Sa huli, na-appreciate ni Armand ang efforts ni Vicky lalo pa at handa nitong tanggapin muli ang kanyang nobyo kahit ano pa ang kanyang kasarian.
Patuloy na subaybayan ang kwentuhan sa Dear Uge tuwing Linggo, 3:45 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters.