'Dear Uge Presents:' Glaiza De Castro, gaganap bilang 'Yaya Madrama'
Gaganap si Glaiza De Castro bilang si Lauren, isang yaya na overly sensitive at defensive, sa kuwentuwaan sa Dear Uge Presents ngayong Linggo, May 9.
Pakiramdam ni Yaya Lauren, lagi siyang sinisisi ng kanyang mga amo na sina Merriam (Patricia Tumulak) at Chris (Marco Alcaraz) lalo na tungkol sa mga maliliit na bagay. At tuwing sumasama ang kanyang loob, nagbabanta siyang aalis.
Nagkatotoo ito nang mismo ang mag-asawa ang nagpalayas sa kanya. Nakita kasi nila ang nawawalang relos ni Chris sa mga gamit niya. Gayunpaman, desedido si Yaya Lauren na patunayang hindi siya guilty at hanapin ang tunay na may sala.
Sa kanyang paghahanap, matutuklasan ni Yaya Lauren na may namamagitan pala kay Merriam at sa hardinerong si Josh (EA de Guzman). Dahil sa kanyang nalaman, papabalikin siya ni Chris sa kanilang bahay. Pero, isang bagong rebelasyon ang kanyang malalaman at lalong gugulo ang kuwento!
Samahan si Yaya Lauren na harapin ang drama ng kanyang buhay sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge Presents ngayong Linggo, May 9.