GMA Logo neil ryan seses on dear uge presents
What's on TV

May amnesia si Eugene Domingo sa 'Dear Uge Presents'

By Cara Emmeline Garcia
Published August 17, 2020 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News

neil ryan seses on dear uge presents


Tunghayan ang muling pagbabalik ng 'Dear Uge Presents' ngayong Linggo, August 23.

Sa pagbabalik ng Dear Uge Presents, matutunghayan ang isang kuwento tungkol sa pag-ibig at second chances.

Ngayong Linggo, makikilala natin ang mag-asawang sina Amor (Eugene Domingo) at Migs (Neil Ryan Sese).

Sa halos isang dekada nilang pag-iibigan, napagtanto ng dalawa na maghiwalay na lamang dahil hindi na sila bagay para sa isa't isa.

Sa pananaw ni Amor, hindi na si Migs ang lalaking minahal niya noon. Habang si Migs naman, iniisip na masyadong controlling ang kanyang asawa.

Dahil diyan, nag-file ng annulment papers si Amor, na buong-buo namang tinanggap ng kanyang asawa at umalis ito sa kanilang pamamahay.

Eugene Domingo bilang si Amor at Neil Ryan Sese bilang si Migs

Eugene Domingo bilang si Amor at Neil Ryan Sese bilang si Migs / Source: Carlo del Prado - Dear Uge

Makalipas ang ilang buwan, bumalik si Migs para kunin ang mga natitira niyang gamit. Ngunit dahil sa coronavirus pandemic, inabutan siya ng enhanced community quarantine sa bahay ni Amor!

Wala pang isang araw ng kanilang pagsasama ay hindi napigilan ng dalawa na magbangayan.

Napansin nila ang mga pagbabago sa kanilang relasyon at higit sa lahat, parang nakakalimot na si Amor.

Hindi na niya maalala ang mga detalye ng kanyang buhay pati na rin ang dating relasyon niya kay Migs.

May karamdaman kaya si Amor o nagpapanggap lamang ito?

Huwag palampasin ang muling pagbabalik ng Dear Uge Presents sa telebsiyon kasama sina Eugene Domingo, Neil Ryan Sese, Candy Pangilinan, at Lotlot de Leon, ngayong Linggo pagkatapos ng All Out Sundays!