
Napuno ng kilig ang Celebrity Bluff sa pagbisita ng Kapuso leading men and women.
Nitong Sabado, May 23, muling napanood sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
Nakasama nila sa episode para maglaro ng 'Fact or Bluff' sina Alden Richards at Kris Bernal, Mike Tan at Lauren Young, at Andrea Torres, at Martin del Rosario.
Mula unang round at hanggang dulo ay pansin ni Eugene ang pagpapakilig ni Alden. Pero alam ng #JoGe shippers na wala pa ring tatalo sa tambalan nina Eugene at Jose.
Panoorin:
Ang Celebrity Bluff ay mapapanood na tuwing Sabado pagkatapos ng Magpakailanman.