
Ghosting ang tatalakaying isyu ni Uge ngayong Linggo, June 14, sa Dear Uge.
Nakikita ni Beth (Max Collins) ang kanyang future kasama si Herald (Ervic Vijandre) --ang kanilang kasal, mga anak, pati na ang bahay na kanilang titirahan. Ngunit lahat ng ito'y magbabago nang biglang i-ghost ni Herald si Beth.
Pipilitin ni Beth na mag-move on at sa prosesong ito ay makikilala niya si Thirdy (Archie Alemania), isang psychic na nakakakita ng future.
Makakamove-on na kaya nang tuluyan si Beth kay Herald sa tulong ni Thirdy? Alamin 'yan sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge, ngayong Linggo, June 14.