Isang calm mommy si Diana Zubiri sa 'Dear Uge', plus Michael V. bibisita rin!
Isang very calm mommy si Maya 'di tulad ng kaniyang asawang si Rolly. Sa kanilang pamamahay, si Rolly ang problem solver habang si Maya naman ang peace maker.
Ngunit lahat yan ay magbabago nang umalis para sa isang business trip si Rolly.
Si Maya ngayon ang naatasan mag-ayos ng lahat ng problema ng pamilya. Isa na rito ang nararanasang pambubully ng kaniyang dalawang anak at ang pagchi-chismis ng kaniyang kapitbahay na may affair daw ang asawa niyang si Rolly.
Dahil dito, unti-unting nagbabago si Maya mula sa pagiging calm mommy to an aggressive mommy.
Dear Uge presents, “Kalma Mother” kasama sina Diana Zubiri bilang Maya at Niel Ryan Sese bilang Rolly.
Huwag palampasin ang isa na namang nakakatawang episode sa kuwentuwaan ngayong Linggo, June 16 sa Dear Uge na bibisitahin pa ni Bitoy.