Diana Zubiri, open sa May-December love affair?
Bibigyan mo ba ng chance ang isang May-December love affair kung ito na lang din ang huli mong chance sa pag-ibig? Ito ang problemang kakaharapin ni Diana Zubiri sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, August 6.
Oldie na si Myrna (Diana) at tila napag-iwanan na ang kanyang love life. Todo kapit siya sa pag-asang makatuluyan ang kanyang dream guy na si Leo, pero masasawi lamang siya.
Sa tulong ng kanyang kaibigang si Bebelyn (Boobsie), mare-realize niyang may isa pa siyang prospect, si Michael (Jay Arcilla), ang cute delivery guy ng yelo para sa kanyang tindahan ng gulaman.
Siya na ba ang kasagutan sa inaasam na love life ni Myrna, o may gatas pa sa labi si Michael para mahulog sa kanya?
Abangan ang kuwentuwaang ‘Gulaman of My Life’ sa nangunguna at nag-iisang comedy anthology, ang Dear Uge, ngayong Linggo, August 6, pagkatapos ng Sunday PinaSaya!