Filtered By: TV | News
Eugene Domingo, nagpasalamat sa netizens sa muling pagpapa-trend ng 'Dear Uge'
Published On: February 22, 2016, 12:00 AM
Updated On: March 15, 2020, 06:51 AM
Nag-trend ang #DearUgeKabitbahay kahapon (February 21) kung saan nag-guest sina Glaiza de Castro at Jaclyn Jose bilang magkapitbahay na kabit sa second episode ng 'Dear Uge.'
By CHERRY SUN
Tulad ng nangyari sa pilot episode, nag-trend ang #DearUgeKabitbahay, ang ikalawang episode ng kauna-unahang comedy anthology sa Philippine TV na Dear Uge.
READ: Pilot episode ng Dear Uge, nag-trend sa Twitter
Ibinahagi mismo ni Eugene Domingo ang ilan sa mga komentong nagpataba ng kanyang puso.
Aniya, “Thank you for the good feedback and for making us trend again! #dearuge See you next Sunday only on GMA.”
A photo posted by ????????Actress/Host (@ms.uge) on
Ang nakaraang episode ay pinagbidahan nina Jaclyn Jose at Glaiza de Castro na parehong gumanap bilang kabit. Napanood naman si Uge dito bilang ang legal wife.