Filtered By: TV | News
TV

Eugene Domingo, peg raw ang 'Mars' para sa 'Dear Uge'

Updated On: February 25, 2020, 07:31 AM
“Alam n'yo bakit tumatagal ang Mars? [It is] because you touch many, many people of different ages and [each] episode [ay] talagang kapupulutan ng aral, saya at good vibes. That is exactly the peg of Dear Uge.” - Eugene 

By BEA RODRIGUEZ

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Muling bumisita ang versatile at multi-awarded actress na si Eugene Domingo sa Mars kahapon (February 2) para ibahagi ang kanyang opinyon sa Mars Sharing Group.

Isang nakakaaliw na grand entrance ang ipinakita ng in-demand na komedyante sa kanyang pagpasok sa show. “I’m so happy to be here. Congratulations! Lahat yata ng programa ko o palabas ko o pelikula ko, hindi ko papalampasin na hindi dumaan sa Mars!” ika niya.

Pinuri niya pa ang naturang programa na halos apat na taon nang umeere sa GMA, “Alam n'yo bakit tumatagal ang Mars? [It is] because you touch many, many people of different ages and [each] episode [ay] talagang kapupulutan ng aral, saya at good vibes. That is exactly the peg of Dear Uge.”

WATCH: Kuwentong Uge

Nakipagbiruan pa siya sa show hosts na sina Camille Prats at Suzi Abrera, “Kaya ako nandito kasi kailangan ko makausap ang market nito, Mars.” Halos magkapareho raw ang dating ng kanyang bagong show sa talk show na kanyang binisita, “Kung paborito n'yo ang Mars, ganito rin ang feels ng Dear Uge.”

READ: Eugene Domingo, may bagong handog sa ‘Dear Uge’ 

Ano nga ba ang puwede nating abangan sa bagong programa ni Uge? “Meron kaming re-enactment [pero] hindi siya dramatization kasi hindi naman siya drama. Pero we will creatively present the love stories na may halong comedy. Every week, every Sunday, relaxed ka lang ta’s mai-in love ka. Ta’s tawa ka lang nang tawa!” saad nito.

 

A photo posted by Carla Avanceña (@cabyness) on

 

Good vibes raw ang pangako ng actress-TV host sa kanyang pinakabagong show, “Andito ang Dear Uge para harapin ang inyong problema na punong-puno ng saya, and of course, makaka-recover kayo diyan kasi tatawa lang tayo nang tatawa. We will not lose hope every week because we will always fall in love.”

Kasabay ng Araw ng mga Puso ang handog ni Uge na magtatampok ng iba’t ibang GMA stars kada linggo. Aniya, “Ang Dear Uge po mga mars at sa lahat po na mga Kapuso [ay] showing na po [on February] 14 with [my co-host] Divine Grace [Aucina]. Every week po iba’t ibang stars ng GMA [ang mga guest and this is] after Sunday PinaSaya.”

Tutok lang sa Kapuso network dahil ibang saya ang dala ng istasyon para sa manonood ayon sa aktres.

 

"Ang weekends talaga ng GMA, punong-puno ng laugh trips, good vibes [at] light lang. Inaasahan po namin every Sunday, kami na ang bahala sa pag-relax n'yo!” pagtatapos ni Uge. 

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.