Muling mapanood ang May 30, 2021 episode ng 'Dear Uge' na pinamagatang 'Gangsta Sistah' kung saan tampok si Katrina Halili.
Gaganap si Katrina bilang si Badette a.k.a. Red Pepper, ang boss ng Red Pepper Gang. Kampon niya sa grupo sina Matador (Roby Sy), Dogs (Buboy Villar), at Pogi (Gil Cuerva).
Hindi inaasahan ni Badette na maninirahan na sa kanya ang kanyang kapatid na madre na si Angela (Kate Valdez), at dahil dito ay kailangan niyang itago ang kanyang tunay na pagkatao. Sa umaga ay magpapanggap si Badette na isang philanthropist pero sa gabi ay patuloy ang buhay niya bilang si Red Pepper.
Pero paano kung bisitahin ni Angela ang hideout ng kanyang kapatid sa pag-aakalang ito ang opisina niya? Mabunyag kaya ang secret life ni Badette?
Samantala, makakapanayam naman ni Uge (Eugene Domingo) ang isa ring gang member na si Boy Girly.
Silipin dito ang ilang tagpo ng 'Gangsta Sistah' na muling mapapanood sa 'Dear Uge' ngayong Linggo, September 5.
Replay man, paniguradong puno pa rin ng katatawanan at aral ang episode ng 'Dear Uge' na mapapanood this Sunday (September 5).
Special guest ni Uge sa 'Gangsta Sistah' episode si Boy Girly.
Gaganap si Katrina Halili bilang si Badette a.k.a. Red Pepper.
Si Badette ang boss ng Red Pepper Gang.
Kampon ni Red Pepper sina Matador, Dogs, at Pogi.
Isang madre ang kapatid ni Badette na si Angela.
Hindi inaasahan ni Badette na iiwan na ni Angela ang kumbento at makikitira na sa kanya.
Dahil dito, magpapangggap si Badette na isang philantrophist sa harap ng kanyang kapatid. Pero sa gabi ay tuloy pa rin ang buhay niya sa Red Pepper Gang.
Mabunyag kaya ang sikreto ni Badette? Ano ang palagay ni Boy Girly tungkol dito? Abangan 'yan sa 'Dear Uge' ngayong Linggo, September 5, pagkatapos ng 'GMA Blockbusters' sa GMA.