'Dear Uge' Sneak Peek: "The Perfect Gift Daw O" at "Monito Demonyita"

Ngayong linggo ng Pasko, doble na naman ang katuwaang magaganap sa Dear Uge.
Tuwing Kapaskuhan, usong-uso ang bigayan ng regalo. Pero paano kung ang gift-giving ay mas nagiging isang sakit sa ulo kaysa sa isang exciting occasion?
Ito ang nangyari kina Jon [Rayver Cruz] at Marcie [Janine Gutierrez]. May gustong bilhin na regalo si Jon para sa kanyang sarili ngunit alam niyang magagamit lamang ang kanyang asawa kung bilhin n'ya ito.
Ipaglaban kaya n'ya ito o hindi?
Maliban kina Jon at Marcie, ganito rin ang nangyayari sa magkapitbahay na sina Juana [Snooky Serna] at Chynna [Amy Austria].
Tuwing Pasko hindi mapigilan ng dalawa na magkumpara at maliitin ang regalo ng isa't isa. Makuha kaya nila ang gusto nilang regalo ngayong taon o talaga bang wala nang common ground ang dalawa?
Alamin ang lahat ng iyan sa back-to-back Christmas special ng Dear Uge na pinamagatang “The Perfect Gift Daw O” kasama sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez, at “Monito, Demonyita” kasama sina Liezel Lopez, Faith da Silva, Ms. Snooky Serna, at Ms. Amy Austria.
Tingnan ang magaganap na kuwentuwaan sa gallery na ito:







