Daig Kayo Ng Lola Ko: Finding Tiny
The stakes are high sa third episode ng “Game Over” series ng Daig Kayo Ng Lola Ko this weekend!
Problemado si Lorraine (Carla Abellana), dahil si Jade (Althea Ablan) nakagat ng zombie.
Kahit may takot sa maaaring gawin ni Jade, papaniwalaan ni Lorraine ang kapatid na si Luigi (Will Ashley) na sinasabing na hindi nila sa ipapahamak ng kaibigan niya.
Extra challenging pa ang pag-navigate sa school na puno ng zombies, dahil napasama na rin sa game sina Lara (Cassy Legaspi) at Red (Luis Hontiveros).
Ngayon, iisa na lang ang choice nila, ang hanapin ang source ng zombie infection na si Tiny (Matt Lozano).
Magtagumpay kaya sila sa scary mission na ito?
Sundan ang intense episode ng “Game Over” sa Daig Kayo Ng Lola Ko, ngayong Sabado ng gabi (July 13) sa oras na 9:30 p.m.