Ang pagsubok nina Pepe at Super Ging sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'
Exciting ang handog na back-to-back story ni Lola Goreng (Gloria Romero) sa Daig Kayo Ng Lola Ko this week na dapat abangan ng mga Aldenatics at BiGuel supporters.
Tuloy ang paglaban ni Super Ging (Bianca Umali) sa mga halimaw na gusto manggulo sa 'Amazing Adventures of Super Ging and Harvey!'
Sapat kaya ang powers ni Super Ging na maligtas ang lahat?
Inspiring naman ang second magical story ni Lola Goreng kung saan tampok ang Asia's Multimedia star na si Alden Richards sa 'Pepe and the Werpa Kids.'
Nag-iisip ba kayo ng gagawin this Sunday night?
Piliin mag-stay at home at manood ng kuwento nila Super Ging at Harvey at 7:05 PM. Susundan naman ito ng adventure ni Pepe at exactly 7:45 PM sa Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos ng Amazing Earth at bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho.