
Bibigyan tayo ng paboritong lola ng bayan na si Lola Goreng (Gloria Romero) ng rason para maging hopeful at ngumiti this Easter Sunday, dahil itutuloy niya ang back-to-back kuwento niya tungkol kay 'Laura Patola' at sa mahiwagang mga lobo sa 'Sa Ilalim Ng Buwan' sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
Sa first part ng kuwento, tunghayan ang adventure ng astig na beauty na si 'Laura Patola' na ginampanan ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza.
Susundan 'yan ng bawal na pag-iibigan ng lobo na si Santi (Dennis Trillo) at ng tao na si Kayla (Barbie Forteza) sa maaksyon na werewolf story na 'Sa Ilalim ng Buwan.'
Humanda na sa magical stories na pupukaw sa inyong imahinasyon, mga Kapuso! Manood ngayong Pasko ng Pagkabuhay, April 12 ng first part ng back-to-back episodes ng Daig Kayo ng Lola Ko simula 6:55 PM to 7:40 PM. Ang second story naman ay simula 7:40 PM hanggang 8:25 PM, pagkatapos ng Amazing Earth at bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho.