EXCLUSIVE: Kyline Alcantara, nahirapan ba sa mga eksena nila ni Bianca Umali sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko?'
Memorable ang second time na paggi-guest ni Kyline Alcantara sa weekly magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko.
EXCLUSIVE: Kyline Alcantara at Bianca Umali, gaganap bilang kambal-tuko
Bibida ang magandang aktres at si Bianca Umali sa kuwento ni Lola Goreng patungkol sa kambal-tuko na sina Ella at Emma.
Kuwento ni Kyline sa exclusive interview niya sa GMANetwork.com na sobrang gaan katrabaho ng buong team ng Daig.
Saad niya, “Working with Daig's crew po kasi sobrang light lang po sa set and kumbaga pinaramdam nila sa akin kung gaano sila ka-open sa mga ideas namin. So parang ang saya-saya lang na may ganung production ulit na ako nakatrabaho.”
Ayon kay Kyline, malaking bagay rin na may mga ganitong klaseng show sa telebisyon na kapupulutan ng aral ng mga bata.
“Siguro maganda rin siya siyempre dagdag din siya sa mga learnings ng mga kabataan and mas maiintindihan nila and ako sobrang saya ko na may Daig pa din, kasi nababalik din ako sa parang dati kong kabataan ganyan. And 'yun marami din akong natutunan aral na nakakalimutan na natin ngayon. So very special dn talaga and I'm very happy na mayroon pa rin Daig Kayo Ng Lola Ko to guide us.”
Umamin din si Kyline na challenging gumanap na kambal-tuko, pero naging madali pa rin daw ang shooting dahil komportable siya kaeksena si Bianca Umali.
Wika niya, “Yes, because first time ko umarte nang as in kadikit ko talaga 'yung co-artist ko but I'm comfortable working with Bianca po kasi, so it's a lot easier.”
Panoorin ang hiwaga at mahika sa kuwento ng kambal na sina Emma at Ella sa Daig Kayo Ng Lola Ko this Sunday night pagkatapos ng Amazing Earth hosted by Dingdong Dantes.