
Pinamalas ng Kapuso rising star na si Kyline Alcantara ang pagiging versatile niyang aktres sa katatapos lamang niyang guesting sa weekly magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko.
Matapos mapabilib ang mga viewers sa husay niya bilang Crisan at Crisel sa primetime series na Kambal, Karibal, binigyan buhay naman ng magandang dalaga ang role bilang isang Ibong Adarna.
Muling balikan ang effortless na pag-arte ni Kyline Alcantara sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa video below.