TV

EXCLUSIVE: Jillian Ward , nagkuwento ng preparations niya para sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

By AEDRIANNE ACAR
Updated On: April 21, 2017, 04:06 PM
Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com kay Jillian, nagkuwento ang Kapuso teen actress sa mga paghahanda na ginawa niya para sa role niya sa DKNLK na si Alice.

 

Photo by: Elisa Aquino, GMA Network Inc.

Ilang tulog na lang at mapapanood na ng mga Kapuso ang pinakabago at bonggang kid fantasy series sa GMA Network ang Daig Kayo Ng Lola Ko (DKNLK). 

Pagbibidahan ang naturang show ng veteran actress na si Gloria Romero, at mga pinakamagagaling na young stars ng henerasyon na ito na sina Jillian Ward, Chlaui Malayao, David Remo and Julius Miguel.

Sa one-on-one interview ng GMANetwork.com kay Jillian, nagkuwento ang Kapuso teen actress sa mga paghahanda na ginawa niya para sa role niya sa DKNLK na si Alice.

Aniya, “Siyempre memorize po uli ‘yung script tapos mostly po nanonood din po ako ng mga [shows na] may mga powers-powers para matuto po ako kunwari kung paano paghawak ng wand or paano po ‘yung pag-pose.”???????

Wala rin daw siyang pressure na nararamdaman kahit kasama niya sa kid fantasy series ang veteran at multi-awarded actress na si Gloria Romero.

Sa kantunayan, ramdam daw niya ang pagiging maalaga sa set ni Lola Gloria na marami raw kuwento tuwing may break sila sa taping.

Saad niya, “Sobrang bait po lalo na po pag sa set. Kunwari kahit magkamali kami nila David, talagang sabi niya 'okay lang ganiyan din si Lola.'”

“Tapos nagkukuwento rin po siya pag nasa tent po kami, nagkukuwento po siya ng mga stories tungkol dati nung dalaga pa po siya, sa pag-aartista niya and sa mga na-experience niya po.” 

MORE ON 'DAIG KAYO NG LOLA KO':

EXCLUSIVE: Jillian Ward, nahirapan sa mga eksena niya sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'?

LOOK: Marian Rivera shoots for the newest children fantasy series of GMA

WATCH: Madadaig n'yo ba ang powers ng extraordinary grandma na si Lola Goreng?

 

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.