Daig Kayo Ng Lola Ko: Alden Richards, gaganap bilang Pinoy Santa!
Huwag papahuli sa Holiday episode na handog ni Lola Goreng sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' this December 29 kung saan mapapanod ninyo si Asia's Multimedia star Alden Richards na gaganap bilang Pinoy Santa na si Nonoy.
Alden Richards
Tiyak mamahalin ninyo, mga Kapuso, si Nonoy. Pero paano magiging Pinoy Santa ang isang ordinaryong kutsero?
Kapuso actors
Makakasama ni Alden sa episode na ito ang GMA Artist Center talents na sina Nar Cabico, Dave Bornea at Yasser Marta.
Luz Valdez
Bibida rin sa Christmas presentation na ito ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko' ang veteran actress na si Luz Valdez.
Lola Goreng
Puno ng good vibes ang long weekend ng buong pamilya sa pagtutok sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' this December 29 pagkatapos ng 'Amazing Earth.'