Gabby Eigenmann
Source: gabbyeigenmann (IG)
TV

Gabby Eigenmann, naniniwala ba sa 'no smartphone' policy kapag may taping?

By Aedrianne Acar
Bibida si Gabby Eigenmann sa special summer offering ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko' na ipapalabas sa Sabado, April 6.

Muling nagbabalik sa Daig Kayo Ng Lola Ko ang versatile actor na si Gabby Eigenmann na mapapanood sa summer special ng hit fantasy-anthology series.

Makakasama ni Gabby sa all-new story na "Smart Fam" sina Zonia Mejia, Matt Lozano, Sienna Stevens, at Rochelle Pangilinan.

Gaganap siya bilang si Owen at misis niya dito si Cherry (Rochelle Pangilinan) na ang buong pamilya nila ay very focused sa paggamit ng smartphone na nakakaapekto na sa kanilang relasyon.

Nakapanayam ng GMANetwork.com si Gabby sa Kapuso Brigade Zoomustahan event ngayong Biyernes, April 5, kung saan natanong ito kung pabor ba siya sa 'no smartphone' policy sa tuwing nasa shooting.

Para sa magaling na aktor, may pagkakataon na kailangan talagang gumamit ng gadgets kapag nasa set.

Aniya, “Kasi sometimes, they just tend to forget. Ang maganda diyan is of course, ayoko kasi maging tipong co-actor mo na pagsasabihan kita.”

“Kasi, at the end of the day, kung 'yan ang gusto mo gawin, makita man 'yan sa eksena or what, 'di ko na problema 'yan. Kunwari, I come across an actor or co-actor na mas busy pa siya sa cellphone niya. Yeah, I call their attention.”

“When you do a specific scene, mas maganda lahat kayo nagko-concentrate sa bubuoin n'yong eksena. Yes, you get distracted, pero ito kasi ang ano niyan, most of the time, artists who have their phone with them ay nandun na rin minsan 'yung script.”

Pero binigyan diin ni Gabby at paulit-ulit niya itong ipinapayo sa co-actors niya na dapat lagi silang handa sa oras na magro-roll na ang camera.

“Pero ako, lagi ko sinasabi, sini-share ko rin naman sa lahat na when you come to the set, you will always have to come prepared. Okay lang 'yung mag-read kayo ng lines, here and there, pero 'pag sinabi na actors in, dapat wala na kayong hawak na cellphone. Isipin n'yo na ano gagawin n'yo sa eksena. Dapat ready kayo all the time.”

Inanyayahan din ni Gabby ang viewers na manood ng latest offering ng Daig Kayo Ng Lola Ko na ipapalabas bukas, April 6, sa oras na 6:15 p.m. dahil maraming kapupulutan aral sa episode lalo na para sa mga bata.

Kuwento niya tungkol sa mga mangyayari sa episode ng "Smart Fam," “It's a story about family na nauubusan ng oras sa isa't isa because they are all into gadgets. Ito 'yung pinakapupulutan ng aral na 'to, kasi napapanahon. Kumbaga lalo na sa mga kabataan, who are always in their cellphones, who are always doing livestream, doing online shopping, 'yung mga ganyan."

“May mapupulutan sila ng aral dito kasi, hindi lahat ng bagay ay sa gadgets ang lahat ng kasagutan.”

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.