GMA Logo Wonder Womaine
What's on TV

Daddy's Gurl: Ang Wonder battle between Wonder Womaine and Queen M

By Aedrianne Acar
Published September 22, 2021 2:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Wonder Womaine


Kumapit at mamangha sa epic fight scenes sa part-two ng kuwento ni 'Wonder Womaine' sa 'Daddy's Gurl.'

Masusubukan ang tatag at tibay ng loob ni Germaine (Maine Mendoza) sa pagsagupa niya sa kampon ni evil alien Queen M (Wally Bayola).

Sapat na kaya ang natutunan niya kay Bozzing (Vic Sotto) para mapigilan niya bilang Wonder Womaine ang maitim na plano ng kanyang kalaban para sa sangkatauhan?

Source GMA Network

Kaya mga Kapuso, kung nabitin kayo sa trending episode ni Maine Mendoza bilang si Wonder Womaine, puwes tiyak mabubusog kayo hindi lamang sa kakatawa, kundi pati na rin sa nakakamanghang special effects ng Daddy's Gurl sa darating na September 25.

Huwag papahuli sa part-two ng superhero adventure ni Wonder Womaine at i-tweet n'yo ang official #DADDYSGURLTheBattle.

Bawal ang umabsent sa good vibes na episode na hatid ng Daddy's Gurl sa Sabado Star Power sa Gabi, right after Regal Studios Presents.