
Patindi na ng patindi ang mga nangyayari sa Afternoon Prime series na Contessa, pero alam n'yo bang hindi napapanood ng bida nitong si Glaiza de Castro ang kanyang eksena pagkatapos ng take?
WATCH: Glaiza de Castro, aapihin at pagsasamantalahan ni Lauren Young
Sa isang exclusive interview with GMANetwork.com, ibinahagi ng aktres kung bakit ito nangyayari.
"For the first time, gumagawa ako ng isang soap na hindi ako nakakapag-preview after the take. So lahat 'yun hindi ko talaga alam kung ano ang itsura."
Dagdag pa niya, "Dahil hindi siguro nakasanayan sa prod na magkaroon ng playback. Iba-iba kasi 'yung type ng director, iba-iba 'yung approach nila. Siguro for this show, walang playback eh. Pero okay lang din in a way, different. Nakakapanibago dahil normally titingnan mo after the take."
Naninibago rin ba siya na panoorin ang sarili sa telebisyon?
"Medyo weird, pero in a way kailangan ko rin siyang panoorin para mapag-aralan."
Patuloy na panoorin ang Contessa, Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga.