What's on TV

WATCH: Glaiza de Castro, aapihin at pagsasamantalahan ni Lauren Young

By Bea Rodriguez
Published March 21, 2018 2:44 PM PHT
Updated March 21, 2018 4:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift named to Songwriters Hall of Fame, second-youngest ever
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang mangyayari sa dalawang kilalang kontrabida kapag pinagsama sa iisang show?

Ano kaya ang mangyayari sa dalawang kilalang kontrabida ng Kapuso network na pinagsama sa iisang show?

Sa kaso ng mga Kapuso kontrabida sa bagong GMA Afternoon Prime soap na Contessa, tatapak-tapakan ng karakter ni Lauren Young na si Daniella ang pagkatao ni Bea na ginagampanan ni Glaiza de Castro.

Pag-amin ng Kapuso leading lady, “Makikita nila na aapihin ako, sasampalin ako, ihuhulog ako sa pool, ganun. Talagang intense ‘yung mga eksena.”

Sa tindi ng galit ni Bea, magiging intense ang kanyang karakter sa tinataguriang “revenge serye.” Magsasalpukan rin sina Jak Roberto at Mark Herras.

Ani Pambansang Abs sa Balitanghali, “Meron na kaagad kaming encounter ni Mark Herras. Ako kasi, sobrang defensive ako para kay Bea eh."

Paano kaya ni Bea ipapakita ang kanyang paghihiganti sa mga taong umapi sa kanya? Alamin sa pinakabagong show ng GMA na pumalit sa country’s highest-rating soap na Ika-6 Na Utos.