Saviour and Tanya Ramos share best advice they learned from father Wendell Ramos before entering showbiz
Mas nakilala pa nang mabuti ang Kapuso siblings na sina Saviour at Tanya Ramos sa fresh episode ng Challenging kung saan ibinahagi nila ang best advice na natutunan mula kay Wendell Ramos.
Sa naganap na episode nitong September 17, sinagot ng dalawang Kapuso stars ang iba't ibang bonus questions matapos sumabak sa nakatutuwang laro na “Who's Who”.
Isa sa mga tanong ay ang best advice na natutunan ng magkapatid mula sa kanilang ama na si seasoned actor Wendell Ramos bago sila sumabak sa showbiz.
Ayon kay Tanya, isa sa mga tumatak sa kanya ay ang payo ni Wendell na maging obedient at respectful.
"Ang talagang tumatak po sa isip ko 'yung pagiging obedient and respectful. Sabi niya po na maganda po na ngayon pumasok kami ng showbiz para bata pa po nate-train na po 'yung ugali namin and 'yung pakikisama sa tao. Kasi daw po dati, wala daw pong mga Artist Center, so mahirap pong makisama.
“Wala pong nagtuturo sa kanila. Kaya nga po ngayon, 'yun po 'yung tumatak sa isip ko na 'yung respect po talaga hindi lang sa co-actors pero sa mga staff, cameraman [din],” sagot ng aktres.
Para naman kay Saviour, ang pagiging hard working at humble ang mga natutunan niya mula sa kanyang ama.
Wika niya, “Pinakatumatak hanggang ngayon, 'yung sabi niya na 'Ang pagiging artista hindi lang work yan, lifestyle na 'yan. 'Yan ang bumuhay sa inyong dalawang magkapatid. So, huwag n'yo siyang papabayaan. Kapag dumating siya sa inyo, i-prioritize niyo 'yan. Hindi porket nakapasok kayo, ibibigay nalang sa inyo 'yung trabaho.' Hindi daw po ganon."
“Kailangan namin mag-work hard pa rin and dapat humble. Always [be] humble and hard working lang talaga. Tapos dapat laging dedicated and respectful, 'yon po 'yung mga words na lagi kong naalala.”
Dagdag pa ni Saviour, “Actually, tagal na po niyang sinasabi sa amin 'yan kahit wala pa po sa mindset namin na mag-aartista na kami. Parang ni-reready niya na po kami before pa. Ngayon po, alam na namin and tama po siya.”
Samantala, nakatutuwa naman ang sagot ng dalawang Kapuso artists nang tanungin kung sino ang pinakamalapit sa kanilang tatay sa larong “Who's Who”.
“I think it's me po kasi lagi po akong nasa bahay. I'm with my dad, I always bond with him. Tapos siya [Saviour] po lagi po siyang umaalis,” nakakatawang sagot ni Tanya.
Sagot naman ni Saviour, “Actually, ako po talaga 'yung favorite ni papa. Ako 'yung baby boy niya kasi. And simula bata ako hanggang paglaki, sa sports, sa kahit anong ginagawa, magkasama kami ni papa.”
Panoorin ang buong episode ng Challenging sa video sa itaas at mas kilalanin pa sina Saviour and Tanya Ramos.
Para sa mas marami pang exciting challenges with your favorite Kapuso stars, patuloy na subaybayan ang Challenging tuwing Biyernes, 7:00 p.m. sa GMA Artist Center YouTube channel.
Samantala, kilalanin ang lalaking anak ni Wendell Ramos na si Saviour sa gallery na ito: