
Ramdam na ramdam ang kilig vibes kina Kapuso stars Althea Ablan at Bruce Roeland nang ibahagi na "jojowain at totropahin" daw nila ang isa't isa sa bagong episode ng Challenging.
Sumabak ang dalawang Kapuso stars sa isang bonus round ng “jojowain o totropahin” kung saan ipinakita ang iba't ibang larawan ng GMA artists at sasagutin kung "jojowain o to-tropahin" ba nila ang mga ito.
Kapuso young stars Althea Ablan and Bruce Roeland are the featured artists for this episode of Challenging. | Photo courtesy: Challenging (GMA Artist Center)
Nang ipakita ang larawan ni Althea, nagkunwari si Bruce na hindi niya ito kilala.
Aniya, “Althea, sino yun? 'Yon ba yung sa Prima Donnas?”
Ibinahagi naman ng aktor na “jojowain slash to-tropahin” niya ang Prima Donnas star.
“I would go for Jojowain slash to-tropahin.
“Jojowain/to-tropahin dahil sobrang close ko din si Althea and we're good friends. Pero ayaw namin na awkward din so jojowain/totropahin. 'Yong bestfriends,” sagot ni Bruce.
Para naman kay Althea, “to-tropahin now, jojowain in the future” raw niya ang aktor.
Kuwento niya, “To-tropahin kasi magka-vibes rin kami ni Bruce. Siya 'yung nakakatawa sa aming dalawa kasi meron siyang mga bagay na hindi alam and pinagtitripan niya lang 'yon.
“So ako naman, pinagtatawanan ko siya, pinagtitripan ko din siya sa mga pinaggagawa niya.
“And jojowain, boyfriend material. Gentleman, mama's boy, may dimple, wow! Alam mo na 'yan! Sa may mga dimple talaga eh, 'no? So ayun, to-tropahin now, jojowain in the future.”
Alamin ang buong nakakakilig na sagutan nina Althea at Bruce sa Challenging video na nasa itaas.
Kung hindi naglo-load ang video, maari itong mapanood DITO.
Para sa mas maraming pang exciting challenges with your favorite Kapuso celebrities, patuloy na subaybayan ang Challenging tuwing Biyernes, 7:00 p.m. sa GMA Artist Center YouTube channel.
Samantala, tignan ang magagandang larawan ni Althea Ablan sa gallery na ito:
Silipin naman ang naging body transformation ni Bruce Roeland dito: