'Celebrity Bluff,' may Chinese New Year celebration
May Chinese New Year celebration sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, February 13.
Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.
Samantala, makiki-“Fact or Bluff” naman sina LJ Reyes, Diana Zubiri at Jackie Rice.
At dahil kapapasok pa lang ng Chinese New Year, tuloy ang pagbabasa ng kapalaran ng celebrity bluffers.
Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?
Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng I-Witness!