What's on TV

WATCH: Carla Abellana at Solenn Heussaff, unang beses magiging mga kontrabida

By Marah Ruiz
Published August 25, 2018 12:43 PM PHT
Updated November 14, 2018 3:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: January 19, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



First time gaganap bilang kontrabida ng mga Kapuso actresses na sina Carla Abellana at Solenn Heussaff. Ano kaya ang dapat abangan ng mga viewers sa kanila? Alamin 'yan sa article na ito.

Parehong may mga upcoming shows ang magkaibigan at kapwa Kapuso actresses na sina Carla Abellana at Solenn Heussaff.

Si Carla ay bahagi ng cast ng Pamilya Roces kung saan makakasama niya sa Jasmine Curtis Smith, Gabbi Garcia, Shaira Diaz at marami pang iba.

"Hindi po ako mabait dito. Ako ay napaka strikta, napaka uptight, parang type A personality. First time ko pong magpe-play ng role na hindi mabait," kuwento niay tungkol sa kanyang karakter.

Bahagi naman si Solenn ng Cain at Abel kasama sina Dennis Trillo, Dingdong Dantes at Sanya Lopez.

"Super iba 'tong role para sa akin kasi kontrabida ako to the max. Dati may mga kontrabida role ako pero 'yun parang nakakatawa. Ito 'yung maiinis [ka] talaga sa kanya," paliwanag niya.

Pareho din may mga shows abroad sina Carla at Solenn.

Bibisita si Carla sa Florida at Texas sa Amerika, habang si Calgary at Winnipeg sa Canada naman si Solenn para magbigay saya sa mga Kapuso doon.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras: