About the Show
Bubble Gang episode
TV

Bubble Gang: Ratratan ng comedy ang masasaksihan this Friday!

By Aedrianne Acar
Target namin pasayahin kayo, mga Kababol! Kaya heto ang pasilip sa fresh episode ng 'Bubble Gang' this week!

Hinga nang malalim after a stressful week at hayaan n'yo na ang Bubble Gang na maghatid ng ngiti sa inyo this coming March 3.

Sigurado na papaulanan namin kayo ng mga LOL moments sa mga hinanda naming sketch na: 'Naka-costume Lang', 'Kulang-kulang', 'Cellphone Wrecker', 'Home Sick', at 'Under the Table'

Siyempre, hindi rin mawawala ang mga paborito n'yo na segment na kikiliti sa inyo tulad ng 'Marites United' at ang kuwelang game segment na 'Good Bayan'!

Makakasama rin ng buong Kababol barkada sa pangunguna ng award-winning comedian na si Michael V. ang mga special guests natin na sina Mike “Pekto” Nacua at bagong Kapuso, Tiktok star na si Shuvee Etrata.

Kaya ngayong Biyernes ng gabi, sit back and relax, mga Kababol. At tumutok sa all-new episode ng Bubble Gang sa oras na 9:35 p.m.

Mapapanood n'yo rin ang flagship Kapuso gag show sa Pinoy Hits sa Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.

ILAN SA MGA BUBBLE GANG CHARACTERS NA NAGPATAWA SA INYO LAST YEAR:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.