Bubble Gang: More Kababol kulitan this 2023
Magkakasundo pa rin tayo sa mga panalong sketches at tawanan sa Bubble Gang ngayong Bagong Taon!
Bukod sa mga paborito ninyong comedy superstars sa pangunguna ni Michael V., makiki-join din sa atin ngayong Friday night ang First Lady star na si Sanya Lopez!
Wala ring patid ang good vibes na handog ng versatile actor na si Paolo Contis na gaganap ulit bilang Kuya Glen sa hit parody na 'Patibong'!
At siyempre, more kikay at nakakadiring moments with our BFF, Ella (Sef Cadayona) and Olivia (Kokoy de Santos) sa 'Bes Friends.'
Gising na gising kayo sa umaatikabong kulitan, mga Kababol.
Mag-chill sa inyong mga tahanan at manood ng paborito n'yong Bubble Gang ngayong January 6 sa oras na 9:40 p.m.
VIRAL VIDEOS OF BUBBLE GANG IN 2022: